Watch | Apat na Magkakapatid, Nakapagtapos ng Pag-aaral sa Tulong ng Ama!




Isang ama ang lubos na pinasalamatan ng kanyang apat na anak sapagkat kung hindi dahil sa kanyang pagkayod sa pamamasada ng jeep ay hindi sila makakapagtapos ng pag-aaral. Bagaman binawian ng buhay kinalaunan ang kanilang ama, ay iniaalay pa rin ng magkakapatid ang diplomang natanggap nila mula sa pagtatapos sa kolehiyo.




Jeepney driver noon ang pumanåw na si Tatay Celso. Ito ang kanyang hanapbuhay at tumulong para mairaos niya ang pag-aaral ng apat niyang anak. Si Tatay Celso ay labis na humahanga sa basketball player na si Michael Jordan. Dahil dito, pinangalanan niyang 'Air Jordan' ang kanyang pinapasadang jeep at dahil taong 1997 niya rin ito nabili.

Labis ang panghihinayang ng magkakapatid dahil hindi naranasan ng kanilang ama na gumihawa dahil puro hiråp lamang umano ang naranasan nito noong nabubuhay pa lang. Halos dug0 at pawis ang ibinuhos ng kanilang ama para lamang makapag-aral sila magkakapatid.





Kalahating porsyento ng tuition nilang apat ay nagmula sa kinita ng kanilang ama sa pamamasada. Sa ngayon ay itinabi na muna ng magkakapatid ang jeep ng kanilang ama at planong ipaayos kapag nakaipon na sila ng pera dahil aabot ng Php 500,000 ang kakailanganin para magawa ang jeep.

"Nakuha na namin 'yung diploma Ama, kumpleto na ikaw lang ang kulang," emosyonal na pahayag ng isa sa apat na anak ni Tatay Celso na si Jonarcel.





Narito ang kabuuang video ng On Record sa kanilang episode na pinamagatang "Apat na magkakapatid, nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng isang jeep.


No comments