Watch | Alex Gonzaga, Emosyonal na Ibinahagi ang Kanyang " First Pregnancy Journey"




Isa sa pinakakilalang vlogger si Catherine Gonzaga o mas kilala sa screen name na "Alex G." Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kanyang facebook post ang totoong nangyari sa kanya. Nabanggit niya sa nasabing post na nabuntïs siya sa unang anak sana nila ng asawang si Mikee Morada ngunit, hindi nagtuloy ang pinagbubuntis dahil walang embro na nakita sa kanyang matres.




Sa video, ay makikita ang pregnancy test result ni Alex. Masayang masaya ang kanyang asawa nang makita ang dalawa guhit sa pregnacy test. Maging ang pamilya nina Alex na sila Toni, Mommy Pinty, Daddy Bonoy, Uncle Jojo, at ang mga taong mahahalaga sa kanilang mag-asawa.

Matatandaang lumabas ang balitang nakunån umano si Alex sa social media. Kinumpirma naman ito ni Alex sa kanyang facebook post at labis ang pakikiråmay ng kanyang mga fans.





"We found out there is no development. There is no embryo. We weren’t able to take videos anymore. Our doctor said we have to wait another week to confirm if the pregnancy will not push thru anymore," kuwento ni Alex.

Nang mga oras na iyon, ay hindi umano niya maiwasang isipin na nag-fail siya sa kanyang asawa dahil gustong-gusto na umano ng kanyang mister na magkaanak sila.




"Pagdating ko sa CR umiyak ako kasi as a wife, parang feeling mo nag-fail ka sa husband mo kasi gustong-gusto na ni Mikee pero syempre wala ka namang magagawa dun."



No comments