Newly Wed Couple, Nakatanggap ng P1.6 Million Monetary Gift Mula sa Lola ni Bride!



Tradisyon na sa atin ang pagkakaroon ng 'money dance' sa kasal kung saan isinasabit sa damit ng newly wed couple ang mga pera na reglo ng kanilang mga ninong, ninang, mga kaanak, kaibigan at pamilya. Nag-viral naman ngayon ang isang video kung saan malulula ka sa halagang ibinigay ng lola ni bride sa kanilang 'money dance'.




Ibinahagi ng Makeup By Edward Pascual ang eksena sa kasal ng bagong mag-asawa na sina Rubz Sabb at Collins Combalicer. Habang sumasayaw ang dalawa sa gitna at napapalibutan ng mga bisita ay inilabas ng Lola ni bride ang sangkaterbang pera na nagkakahalaga ng P1.6 million.

Dalawa sa mga kapatid ni Bride ang nabigyan na din ni Lola ng ganito kalaking pakimkim. Suma-total ay nakakatatlong milyong piso na ang naibibigay ni Lola sa mgakakapatid.





Marami naman sa mga netizens ang napa-sana all. Hindi maitatanggi ang pagmamahal ni Lola para sa kanyang mga apo. Binati rin ng mga netizens ang dalawang bagong kasal. Umabot na sa 46k shares ang naturang video na orihinal na ipinost ni Maria Alinette Coralde Suaverdez.


Narito ang naturang video:


No comments