Nabyudong Ama, Lubos ang Pasasalamat sa mga Taong Nagbigay ng Breåstmilk at mga Gamit Para sa Kanyang Triplets na Anak!




Kamakailan lamang nang mag-viral sa social media ang nakakalungkot na nangyari sa mag-anak matapos na manganak ang misis ni Joel Orbello Regal sa kanilang triplets babies. Ipinagbubuntis pa lamang noon ni April Edlagan-Regal ang triplets at talaga namang excited na sila ni Joel. Ngunit, kinabukasan ng panganganak ni April ay binåwian na siya ng buhay.




Dahil dito, naisipan ni Joel na humingi ng tulong sa mga netizens dahil kinakailangan ng triplets ng breåstmilk o gatas ng ina dahil ito ang pinayo sa kanya ng doktor upang mas lumakas ang resistensya ng katawan ng triples.

Hindi naman nabigo si Joel dahil hindi lamang breåstmilk ang bumuhos na tulong sa kanilang mag-aama dahil may mga nagbigay rin ng gamit pang-baby katulad ng wipes, diaper, at marami pang iba.





Lubos naman ang pasasalamat ni Joel sa mga taong bukas-palad na tumulong sa kanila lalo na sa mga anak niya. Ilang buwan na ang nakakalipas nang maisilang ang triplets at talagang makikïta na malulusog ang mga sangg0l at hindi rin sila såkitin.




Mahiråp man para kay Joel na mawalan ng asawa lalo na at malaki na rin ang sinåkripisyo ng kanyang misis, ay pinipilit pa ring lumåban ni joel para sa kanyang tatlong anak.

No comments