Magkasintahan, Nagpakasal sa Kabila ng Kapansånan ng Nobya!




Ang tunay na pagmamahal ay hindi nababase sa panglabas na kaanyuaan, dahil ang pinakamahalagang katangian ng tao ang pagiging mabuti sa mga tao. Marami naman ang humanga sa magkasintahan nang magpakasal sila sa kabila ng kapansånan ng nobya. Tinanggap si Rosie Babor ng kanyang nobyo ng buong-buo.




Ang groom ay kinilalang si Mario Perez. Natuloy ang kanilang pag-iisang dibdïb sa kabila ng kalagayan ni Rosie. Nag-viral online ang kanilang kuwento dahil sa nmakakamanghang pag-iibigan ng dalawa. Oktubre 6, 2020 nang magpakasal sina Rosie at Mario sa simbahan ng Sto. Niño Parish sa Barangay Paknaan, Mandaue, Cebu. Sa harap ng Diyos ay nagsumpaan ang dalawa na magsasama sila habang-buhay habang saksi ang mga importanteng tao sa kanilang buhay.




Kung titingna ay mas pinili ni Rosie na maglakad hanggang sa makarating siya sa harap ng altar dahil nais umano niyang maranasan ang ibang bride na lumakad sa aisle.

Ikinuwento ni Mario na nakilala ni si Rosie sa pamamagitan ng cellphone. Naging magkatextmate umano sila noon hanggang sa nahulog na ang kanyang damdamin para kay Rosie.




Hindi umano itinao ni Rosie ang kanyang kalagayan at buong-pus0 naman itong tinanggap ni Mario dahil hindi niya tinitingnan ang panglabas na anyo ni Rosie at mas naging tanggap pa niya ito dahil naging totoo si Rosie sa kanya.

Ayon sa mga netizens, pambihira umano ang kuwentong katulad ng kila Mario at Rosie. Nagpapatunay lamang ito na ang tunay na pag-ibig ay hindi makikita sa pang labas na kaanyuan bagkus ay mararamdaman ito mula sa pus0.

No comments