Jeric Raval, Nagsalita na Tungkol sa Isyu nina Aljur, Kylie at Anak Niyang si AJ Raval!




Pinag-usapan at naging mainit ang isyu tungkol sa hiwalåyan ng mag-asawang sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla matapos na kumalat ang larawan ni Aljur kasama si AJ Raval sa isang mall habang magkahawak ng kamay. Sa isyu na ito ay kabi-kabilang panig na ang nagsalita at nagbigay ng kanilang saloobin tungkol sa nangyari.




May kontobersyal na ipinost ang aktor na si Aljur tungkol sa nangyaring hiwalåyan nila ng kanyang misis na si Kylie at sa post na iyon ay hinamon pa niya ang aktres na sabihin ang totoong nangyari at kung sino ang unang naglok0.

Nagbigay na rin ng pahayag si Kylie sa programa ng KMJS o Kapus0 Mo, Jessica Soho nitong Linggo. Sa programang 'Sa Totoo Lang' ay nakapanayam si Jeric Raval at napag-usapan rito ang kanyang saloobin tungkol sa pangliligaw ni Aljur sa kanyang anak na si AJ Raval.





Ayon kay Jeric, bilang ama ay nais umano niyang maging maayos ang kanyang anak at ayaw niyang malagay ito sa alangånin. Pinayuhan rin niya si Aljur na ayusin muna ang pr0blema niya sa dalawang anak at sa misis nitong si Kylie.




"Syempre, wala naman pong magulang na gusto 'yung anak niya, e, nasa awkward na situation o nasa alanganing kalagayan. Syempre lahat naman po tayo, lalo na babae 'yung anak mo, gusto ninyo maayos 'yung kalagayan,

"Syempre 'yon naman po yung sinabi ko. Sabi ko mismo doon sa lalaki, kailangan nasa ayos lahat. Sana naintindihan mo ako. Lalaki ka rin naman, may anak ka. 'Yon naman po ang sinabi ko," ani ni Jeric Raval.

No comments