Estudyante, Nag-apply Bilang Janitor Para May Pambili ng Project sa Paaralan!




Sa bawat kabataan ay may mga pinalad na magkaroon ng mga bagay na madaling makuha at mayroon din namang pinaghihiråpan muna bago nila makuha. Isang estudyante na nagngangalang Kervy James Villarejo, grade 5 student, na nag-aaral sa Jose Catolico Sr. Elementary School, Gen. Santos City. Si Kervy ay nagmula sa mahiråp na pamilya at aminadong kinakapos. Gayunpaman, masipag at matiyaga si Kervy sa kabila ng sitwasyon at ito ang nakakahanga sa kanya.




Nag-viral sa social media ang isang post ni Chriszel Singson Vicente na empleyado ng isang insurance company kung saan ay ibinahagi nito ang nakakaantig pus0ng kwento ni Kervy.

Kuwento ni Chriszel, si Kervy ay kumatok umano sa pintuan ng kanilang office para mag-apply ng trabaho bilang isang janitor upang makabili ng kaniyang school project.

"Na curious kaming lahat, pinapasok namin. Nasa booth ako noon, lumabas ako para kausapin siya. Sa totoo lang, naawa ako, kasi sa office may suki na talaga ako na lumalapit at binibigyan ko every month. Itong si Kervy, iba. Nag offer ng service .. napahanga niya talaga kaming lahat, tapos pag interview namin sa kanya ang hirap pala ng current situation nya." ayon kay Chriszel




Kuwento naman ni Kervy, naninirahan umano siya sa kanyang lola kasama ang tatlo pa nitong kapatid na magkakaiba ang tatay. Ang kanyang tunay na ama ay matagal na umanong sumakabilang-buhay habang ang kanyang ina naman ay mayroon ng ibang kinakasamang lalaki na hindi nagbibigay ng suporta sa kanila.

"11 years old si Kervy ngayon, ka edad ko lang yung mama nya nung pinanganak siya. Same age nung pinanganak ko anak ko at 21. Personally, masåkit talaga sa akin bakit ganun ang sitwasyon niya. As a single mom, masåkit talaga. Kawåwa si Kervy. Pero ang swerte [ng pamilya nya] sa kanya. [Si Kervy] ay masipag, may pangarap." dagdag pa nito

Narito ang kabuuang post ni Chriszel:

"Siya po si Kervy James Villarejo, Mag-aaral ng Jose Catolico Sr. Elementary School. Grade 5 student.

"Siya po ay kumatok sa pinto ng opisina namin nagtatanong kung may ipapagawa daw kami. (Mop sa sahig, Walis or may ipapalinis) yung perang malilikom niya ay ipambibili ng project sa school.

"Tinanong ko siya ano ang pangarap niya paglaki. Sagot niya: "PILOT PO"

"God Bless your future Pilot Kervy..Maka amaze bata, Keep it up Kervy..

"Hindi po namin siya pinalinis. Hehe! kinausap nalang namin. Babalik daw siya para ipakita yung project na nabili.

"(Ako po ay isa ding single mom ginagawa lahat para maprovide ang pangangailangan ng anak ko, masakit para sa amin na ganito ang kalagayan ng batang si Kervy pero nakaka proud talaga siya.. #BatangmayLaban)

21 comments:

  1. SOBRA NALUHA AKO SA BATANG TO TIAK MY MARARATING YAN GODBLESS U IHO

    ReplyDelete
  2. Laban lang kervy...
    God bless u...ingat ka lagi

    ReplyDelete
  3. single mom dn aq at hnd ko mghwang abandunahin ang 4 qng anak pra mging msaya q.. dhl cla ang kyamanan ko s buhay ko.at mgcckap aq kht mahirap mg isa..

    ReplyDelete
  4. Good luck kervy I wish matupad mo mga pangarap mo
    At wag kang susuko lapit lng Kay god handa siyang tumolong sayo

    #imsoproudofyou
    #kervy sa tapang at sipag mo sa buhay
    Binabati kita
    Mabuhay ka kervy

    ReplyDelete
  5. qng may malasakit lng sana ang magulang d magiging kawawa ang bata,God bless sau Kervy,maaabot mo rin ang pangarap mo.

    ReplyDelete
  6. Good luck and may God bless you always Kervy, I can relate your situation now, Nag apply ako at nag trabaho at the age of ten as dishwasher in fastfood shop just to support my studies, My mother was a laundry woman and a single mom of 7 kids but she didnt abandoned us. When I saw and read the post about you, I didnt notice on the tears on my eyes and suddenly it recalls the memories of my past and felt the burden on my younger years.Dasal ka lang palagi, wag kang bibitaw, malayo din ang mararating mo.

    ReplyDelete
  7. May mararating ka nak..ipagpatuloy mo Lang ang iyong pagsisikap sa pag -aaral iyan makapagpa ahon sa inyo. God bless you!

    ReplyDelete
  8. baka po may contact number sya gusto ko po syang bigyan kahit katiting na tulong

    ReplyDelete
  9. paano po makakapag-abot ng kunting tulong sa kanya? salamat po, wait ko na lng reply nyo po

    ReplyDelete
  10. God bless you kervy,sana mabot mo mga pangarap mo

    ReplyDelete
  11. Pahinge naman po ng dateilasnun bata at contact number.

    ReplyDelete
  12. God bless to those who extend/extended help to Kervy more blessings in return. Aral mabuti Kervy anak at maging inspirasyon sa ibang kabataan na kayo nga ang magiging pagasa ng bayan.

    ReplyDelete
  13. Kaawaan ka ng diyos kervy.more blessings to come aral mabuti pra matupad ang iyong pangarap.

    ReplyDelete
  14. God.Bless you Kervy. Napaka bait mo at sobrang tyaga sa buhay.maaabot mo mga pangarap mo.

    ReplyDelete
  15. God bless you kervy ,sana makapagtapos ka sa pag aaral,wag Kang susuko sa pangarap mo kahit mahirap tuloy mo lng,may awa c Lord di ka nya pababayaan,,sa so susunod na mapopost ka sa social media piloto kana, pilot kervy 🙌🙌💥💥💪

    ReplyDelete
  16. Marami akong batang nakikita....pinapaaral ng magulang ng maayos pero nakikita mo tambay sa mga mall...gala dito inom doon .. etong batang to d pinalad na mapa aral pero may determinasyong mag aral ...kudos sayo boy....meron pa palng mga Bata na katulad mo ..... God bless and guide you always

    ReplyDelete
  17. Ang bait ng batang ito.. Napaka bless ng magulang at grandparents nito ..God bless kervy

    ReplyDelete
  18. I'm so proud of you kervy, meron pa palng bata na katulad mo,sana ipag[patuloy m yan kasipagan mo at may pangarap....at pag butihin mo ung pag aaral m para makapag tapos. ka at maging isan piloto :) God is always in your side at hindi ka nya pinabayaana. at may maga taong parin tlagang magaganda ang puso kalooban. :) sana magtatagumapay ka at maabot mo ang mga pangarap mo :)

    ReplyDelete
  19. Grabe nakakaiyak. God bless u bigboy. Tiwala lang matutupad mo lahat ng gugustuhin mo sa BUHAY. Laban lang. Sana madaming tumulong sayo. 🥰😍😘

    ReplyDelete