Batang Lalaki, Nakatayo sa Labas Habang Tahimik na Nakikinood ng Telebisyon; Umani ng Iba't Ibang Reaksyon sa mga Netizens!




Kadalasan, ang libangan ng mga bata sa bahay ay ang panonood ng mga cartoons sa telebisyon. Aliw na aliw sila habang pinapanood ang mga paboritong cartoons na ipinapalabas sa telebisyon. Kung minsan pa ay inaabangan nila ang oras kung kailan ito ipapapalabas. Ngunit, hindi lahat ng tahanan ay may telebisyon sa loob ng bahay.




Isang larawan ang umantig sa mga netizens at umani ng iba't ibang reaksyon. Ang larawang ito ay mapapansin ang isang bata na nakatayo sa labas habang nanonood ng cartoons sa telebisyon. Tahimik lamang siyang nakikinood doon.

Ang larawang ito ay ibinahagi ni Angel Foncesca sa Las Choapas, Mexico. Dahil dito, marami ang nagpadala ng mensahe kay Angel patungkol sa batang lalaki.






Simple lamang ang mga bagay na nais ng mga bata, ang maglaro at ag-enjoy sa kanilang edad. Dahil sa paglipas ng panahon ay tatanda rin sila at hindi na muli nila mararanasan ang simpleng saya na dulot ng kabataan.

No comments