Aiko Melendez, Magbibigay ng Telebisyon Para sa Isang Lola na Nakikinood Lamang sa Kapitbahay!




Ang pagtulong sa ibang tao ay talaga namang nakakataba ng puso. Marami sa ating mga kababayan ang talagang nakakaranas ng matinding kahiråpan mabuti na lamang ay marami pa rin ang bukas ang loob natumulong sa iba. Katulad na lamang ng mga artista na nakakaluwag na ngayon sa buhay at ang nais lamang ay ang makatulong sa iba.




Si Aiko Melendez ay isang sikat na artista dito sa bansa. Nakuhanan siya ng litrato na abala sa pakikipag-usap sa isang matandang babae. Siya si Nanay Dolores na nakita ni Aiko na nakikïnood lamang ng telebisyon sa kapitbahay. Kasalukuyang namimigay si Aiko ng mga food packs at sakto namang nakita niya si Nanay Dolores. Dahil dito, naisipan ni Aiko na bigyan ng regalo si Nanay Dolores at ito nga ang telebisyon.





Imbis na nakikïnood si Nanay Dolores sa kapitbahay ay magkakaroon na ito ng sariling telebisyon. Hindi na niya kailangan pang magpunta sa kapitbahay para makapanood ng mga nais niyang palabas.




"Nakita ng staff ko kanina si nanay naka upo namamalimos Siya si Nanay Dolores. Inabutan sya ng food packs ng staff ko At nakikinuod ng TV sa kapitbahay ng show namen. So regalo ko syo nanay at alam ko na address mo simpleng tv Sana masiyahan ka at di na kailangan makinuod sa kapitbahay Ingat Nanay Dolores!"



No comments