Watch | Ivana Alawi, Napaiyak sa Prank ni Idol Raffy sa Kanya!




Isang taon na ang nakakalipas nang i-prank ng "Hari ng Public Service" na si Raffy Tulfo o mas kilala bilang Idol Raffy kay Ivana Alawi na isa rin sa mga sikat ng youtuber sa Pilipinas. Ang prank na iyon ay naging matagumpay at kasabwat ni Idol Raffy ang kanyang mga staffs at ang ina at kapatid ni Ivana. Sa unang bahagi ng video ay mapapanood kung paano pinlano ni Idol Raffy at kanyang mga staffs ang gagawing prank.




Inakala ni Ivana na guesting lamang sa programa ang kanyang gagawin at wala siyang kaalam-alam na ipaprank siya ni Idol Raffy.

Nagpakilalang Loida ang 'complainant' na humingi ng malaking halaga kay Ivana. Ito ay ikinagulat ng lubusan ni Ivana at sinabing maraming tao na ang mapapakain ng halagangPhp 200,000. Handa naman umano siyang magbigay ng pangkabuhayan tulad ng sari-sari store ngunit hindi niya kaya ang grocery store na hinihingi sa kanya ni Loida.





Handa din siya magbayad sa mga gagastusin sa ospital at pangpagam0t. Sa prank na ito ay mas lalong nakita ang kagandahan ni Ivana hindi lamang sa pisikal na anyo nito kung hindi maging ang pusô niya.

Handa umano siyang magbigay ng Php 50,000 para lamang hindi lumaki ito. Tuluyan ng napaiyak si Ivana sa ginawang prank nila Idol Raffy. Nang humiling naman si Idol Raffy kung maaari bang makausap ang kanyang ina na kasama din sa pagrerepack ng mga relief goods ay hindi pumayag si Ivana. Aniya, siya na lamang ang aako ng lahat ng resposibilidad at huwag na sana pang idamay ang kanyang pamilya.




Dito ay napatunayan ni Ivana na hindi niya rin kakayanin na madamay pa sa kapahamak ang kanyang pamilya.

Narito ang kabuuang video:



No comments