Watch | Isang Lalaki na Nangangalakal at Tanging Kariton Lamang ang Tinutuluyan, Binigyan ng Bagong Pag-asa ng Vlogger!




Marami sa ating mga kababayan ang nakakaranas ng lubhang kahiråpan sa buhay. Gayunpaman ay may mga taong handang tumulong sa kanilang kapwa katulad na lamang ng isang sikat na vlogger na kilala bilang Virgelyncares. Marami na ang natulungan ng vlogger na ito at kasama na sa kanyang mga natulungan ay ang isang lalaki na nangangalakal at tanging kariton lamang ang nagsisilbing silungan.




Sa vlog na ibinahagi ni Virgelyncares sa kanyang youtube channel nitong Setyembre 9 ay maraming netizens ang napahanga sa lalaki. Sa katunayan ay humanga din ang vlogger sa lalaki dahil mas iniisip pa niya ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kanyang sarili.

Binanggit niya sa vlogger na may taong mas nangangailangan ng tulong dahil kahit na mismo siya na walang-wala ay naaawå rin.





Dahil dito, ay hindi naman napigilan ng vlogger na alukin ang lalaki ng bagong pag-asa sa buhay. Binigyan niya ito ng Php20,000 bilang tulong sa panimula ng lalaki na imbis na mangalakal sa daan ay maghanapbuhay na lamang sa kanyang probinsya.

Nabanggit din ng lalaki na nagmula pa siya sa Maynila at nilakad lamang niya ang mahabang daan para lamang makarating kung nasaan siya ngayon. Tulak-tulak ang kariton ay matiyaga siyang nangangalakal ng basura para may makain sa pang araw-araw.




Sa tulong ng vlogger ay makakapagsimula na muli ng bagong pag-asa ang lalaki. Lubos naman ang pasasalamat ng lalaki sa tulong na ipinagkaloob sa kanya ng vlogger. Hindi rin niya napigilan ang kanyang emosyon dahil hindi niya inaakala na makikita ni s Virgelyncares na napapanood lamang niya sa youtube,

Narito ang kabuuang video:


No comments