Watch | Ama, Namamalimos na Lamang Dahil Pinabayaan ng mga Anak; "Pinalaki ko sila, pinabayaan nila ako"




Isang ama ang hindi napigilang maiyåk habang ikinukuwento sa isang vlogger ang nagyari sa kanya. Siya ay si Tatay Eddy Gabriel na namamalimos ng piso-piso sa mga taong napapadaan dahil hindi umano siya tinutulungan ng kanyang mga anak. Dahil dito ay pinili na lamang niya na manghingi ng pera sa iba para may pangbili siya ng bigas.




Sa isang video na ibinahagi ng vlogger na si Denso, ay makikitang inaya nitong kumain si Tatay Eddy ngunit tinanggihan lamang siya nito at nagpasalamat na lang. Sinabi ni Tatay Eddy na pang mayayaman lamang ang kainang iyon.

Kuwento ni Tatay Eddy, ang kanyang mga anak ay nasa Cotabato at Davao. Wala na rin umanong pakialam sa kayang ang mga anak at mag-isa na lamang siya sa buhay.





Naging emosyonal si Tatay Eddy nang ikuwento niya ang hiråp ng kanyang pamumuhay. Naiiyåk siya na kung minsan ay luha na lamang niya ang kanyang iniinom dahil sa sobrang kakapusan.




Narito ang kabuuang post:

''Pinalaki ko sila, pinabayaan nila ako'' mga salitang binitiwan ni tatay eddy na kumir0t sa pus0 ko, wala tayong karapatan na husgahan ang kanyang mga anak hindi natin alam ang tunay na kwento sa likod nito, ganun pa man akoy isang ama din, at pinapanalangin ko sa DIOS ang aking mga anak na lumaki silang mabuting tao... tunghayan nyo po ang kwento ni tatay eddy.



1 comment: