Composer-Singer ng "Pusong-Bato" na si 'Alon' Dela Rosa, Pumanåw na sa Edad na 61!




Si Renee "Alon" dela Rosa ay nakilala bilang isang kompositor at mang-aawit ng napakalaking OPM hit song na "Pusong Bato". Si Alon ay binawiån na ng buhay nitong Miyerkules, Setyembre 15 dahil sa mga komplikasyon sa paghinga o sa kanyang respiratory. Ito ay ikinumpirma ng misis ni Alon n si Raquel Hernandez na binawian nga umano ito ng buhay sa Novaliches District Hospital alas-7 ng umaga.




Si Alon ay binawian ng buhay sa edad na 61. Bago pa umano siya bawian ng buhay ay sinabi ni Raquel na siya at ang kanyang pamilya ay humingi ng emergency sa mga ospital ngunit sila ay tinanggihan dahil sa kapasidad ng pasyente sa mga ospital.

"Naka-oxygen siya dahil may oxygen tank kami. Hindi namin matanggap na hindi siya nabigyan ng first aid man lang o dextrose," ani ni Raquel.

Bago siya nagkasåkit noong nakaraang linggo ay naalala ni Raquel na kumuha siya ng mga sako ng bigas mula kay Freddie Aguilar, sa kabutihang loob ni Senador Manny Pacquiao. "Nasiraan sasakyan nila sa daan at na-expose siya sa ulan, nagkasåkit na," kuwento nito.





Sa nakaraang panayam, sinabi ni Alon na ang kahanga-hangang tagumpay ng "Pusong Bato" ay ang matibay na koneksyon nito sa ordinaryong tao.

"Siguro dahil tinangkilik ng masa, pati ng bata. Nag-start sa YouTube ng 2010 noong nalaman ng Alpha Music na ako ang may likha ng kanta. Sabi nila Alon i-record natin tutal ikaw ang composer. Siguro sa awa ng Panginoon sa tagal ng paghihirap ko, sabi Niya siguro Alon huwag kang mainip. Bago ka man mawala sa mundo bibigyan kita ng hit song," ani ni Alon.




Ang kantang "Pusong Bato" ay binuhay din ng nagwaging "Pilipinas Got Talent" na si Jovit Baldovino at kasama sa soundtrack ng Coco Martin hit fantaserye na "Juan dela Cruz."

No comments