6 na Anak na Babae, Nakapagtapos ng Pulis Dahil sa Pagkayod ng Kanilang mga Magulang sa Pagtatrabaho!




Isang kayaman ang mga anak para sa mga magulang kaya naman hahamakin nila ang lahat alang-alang sa ikabubuti ng kanilang mga anak. Ito ay pinatunayan ng mag-asawang Guelos mula Pajo, Zaraga, Iloilo. Ang mag-asawang Guelos ay may 9 na anak, tatlong lalaki at anim na babae. Ang mas nakakahanga pa rito ay ang 6 na kababaihan ay nakapagtapos bilang mga Pulis.




Kung mapapansin ay bibihira lamang na makakita ng Pulis na babae. Kaya talagang nakakabilib ang mga anak ng mag-asawang Guelos. Hindi naging madali ang mapagtapos silang lagat dahil kumayod ang mag-asawa sa pamamagitan ng pagcoconstruction at pagsasaka.

Dahil dito, bilang pasasalamat sa ina ng anim na Pulis at maging sa kanilang ama ay napagdesisyunan nilang magphotoshoot. Ito ay nagpapakita lamang na marapat lamang na pasalamatan natin ang ating mga magulang para sa mga ginagawa nila para ikabubuti nating mga anak.





Narito ang kabuuang post ng Energy FM 107.7 Kalibo:

"LOOK: Parehong naging pulis ang 6 na anak na babae ng mag-asawang Guelos na taga Pajo, Zarraga, Iloilo. Napagtapos ng mag asawa ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga trabaho kagaya construction at pagsasaka.




Ang mag-asawang Guelos ay may 9 na mga anak kung saan 3 dito ang lalaki at 6 naman ang babae na ngayon ay mga pulis na. Ngayong mothers day, napag-desisyonan ng magkapatid na magkaroon ng photoshoot bilang regalo sa kanilang pinakakamahal na ina o sa kanilang mga magulang. Ang 9 na mga anak ng mag asawa ay parehong nakpagtapos ng bachelor's degree.

via: Jay-ar M. Arante, Energy FM Kalibo Photos Courtesy of Anthony Jimoga-on Photogaphy"



No comments