5-Anyos na Batang Babae, Pursigido sa Pag-aaral Kahit na sa Bangketa Lamang Nakatira; Hinangaan ng mga Netizens!




Mapapansin sa henerasyon ngayon ang ilang mga kabataan na halos nakatutok na lamang sa gadgets at kadalasang tinatamad ng mag-aral. Sa panahon natin ngayon na may kinahaharap tayong pand3mya ay sa bahay na lamang nag-aaral ang mga estudyante sa halip na sa paaralan para makaiwas sa v!rus a kumakalat at para maging ligtas ang mga mag-aaral.




Isang 5-taong gulang na batang babae naman ang hinangaan ng marami. Siya ay kinilalang si May Bayagas. Si May ay nakatira sa pedicab kasama ang kanyang pamilya. Tanging pangangalakal lamang ng basura nag hanapbuhay ng kanyang mga magulang.

Nakuhanan si May ng litrato mula sa malayo habang siya ay abala sa pagsagot ng kanyang mga modules. Abala si May sa kanyang pag-aaral at kung mapapansin ay nakatutok siyang maigi dito habang ginagabayan siya ng kanyang ina.




Marami ang natuwa kay May dahil sa pagiging pursigido nito na makapag-aral sa kabila ng kahir├ąpan at ng pand3mya. Isang inspirasyon si May lalo na sa mga kabataan na huwag makakalimot na pagtuunang pansin ang pag-aaral dahil ang edukasyon ay matuturing isang kayamanan ng hindi makukuha ninuman.




Sa tulong ng Unang Hirit Program ay nag-abot sila ng mga gamit para sa pag-aaral ni May. Bukod sa mga school supplies ay binigyan din sila ng grocery para pamilya ni May. Lubos naman ang pasasalamat ni May sa biyayang natanggap niya mula sa nasabing programa. Malaking tulong na para sa kanila ang mga natanggap ng tulong dahil hindi na sila mamomroblema sa kanyang pag-aaral at maging sa pagkain nilang lahat.

No comments