Watch | Lolo na Sinagip ng Programa ni Raffy Tulfo Mula sa Tirahan Nitong Mukhang Kulungan ng Baboy, Binawian na ng Buhay!




Maraming tao na ang natulungan ng programang Raffy Tulfo in Acti0n at isa na nga rito ang matandang lalaki na nakatira noon sa isang maliit at marumi na tila kulungan ng bab0y. Nakarating ang balitang ito sa naturang programa nang ibahagi ng isang concerned netizen na si Faith Jhen Vicera ang kalagayan ni Tatay.




Agad na nag-abot ng tulong si Idol Raffy nang makapanayam niya ang mga kaanak ni Tatay. Nagbigay si Idol Raffy ng pangcheck-up at panggam0t ni Tatay. Makalipas ang ilang linggo ay muling binisita ng staffs ng programa si Tatay para kamustain ang kalagayan nito.

Naging maayos naman ang kanyang kalagayan. Nanirahan siya sa bahay ng kanyang kapatid at kinupkop siya nito. Humiling si Tatay kay Idol Raffy ng mga pagkain at agad namang tinupad ang kanyang kahilingan. Nag-grocery ang isa sa mga staffs ni Idol Raffy ng mga biskwit, gatas, at mga groceries na kakailanganin ni Tatay.





Ngunit, sa kasamaång palad, ay sumuko na rin si Tatay. Malungkot na ibinalita sa programa na binåwian na ng buhay si Tatay. Kuwento ng kanyang kapatid, maulan noon mga panahon na iyon, at marahil ay hindi umano nakayanan ni Tatay ang lamig. Hindi na rin niya makausap si Tatay dahil hindi na rin ito sumasagot hanggang sa mawalan na ito ng hiningå.




Nagpaabot naman ng tulong si Idol Raffy para sa pangdagdag sa gastusin sa pagkawala ni Tatay. Labis naman ang pakikiråmay ng naturang programa sa mga naulilång pamilya ni Tatay. Marami din sa mga netizens ang nalungkotb sa nangyari.

Narito ang video:



No comments