Watch | Isang Online Seller, Kinaaliwan sa Kanyang Kakaibang Paraan ng Pagbebenta!




Sa panahon ngayon ay talagang nauuso na ang mga online selling. Sa pamamagitan ng internet ay mas napapadali ang pagbebenta at pamimili dahil online mo ng makikita ang mga produkto. May mga pagkain, mayroon ding mga damit at may mga gamit na din na makikita sa internet. Kung dati ay sa palengke at mall lang makakita ng mga bagay na hinahanap natin, ngayon ay kahit sa internet ay mahahanap mo na.




Mas madaling mamili ngayon dahil pati ang bayad ay online na rin. At hindi mo na rin kailangan lumabas para mamili dahil mga mga delivery rider na magde-deliver nito para sa inyo.

Kakaibang gimik naman ang ginawang paraan ng pagtitinda ng isang online seller. Sa kanyang facebook page na Daisy_licious Ukay ay nagla-live siya para mag-alok ng kanyang mga panindang damit. Kinaaliwan siya ng mga taong nanonood sa kanyang live, at imbis na sila ay mag-"mine" ay masaya lamang nilang pinapanood ang online seller.





May ilan naman na nag-sesend ng pera sa kanyang Gcash number dahil naaaliw sa kanya. Tila naging isang 'entertainment' ang kanyang live selling. Kada live niya ay libo-libo ang mga nanood sa kanya, dahil sa mga nakakatawang salita nito.




Kasalukuyang may 323k na likes na ang kanyang facebook page at 372k followers. Marami na ang mga video clip niya na nag-viviral ngayon online. Layunin niya na bukod sa makabenta ng mga tinda niyang ukay ay makapagbigay din ng saya sa mga tao lalo na sa panahon ngayon na may kinahahar├ąp tayong pand3mya.

Narito ang isa sa kanyang mga video:



1 comment: