Watch | Idol Raffy, Tawang-Tawa sa mga Umano'y Dahilan ni Rudy Baldwin sa Kanyang Maling Hula!






Nitong Agosto 17 ay na-ere sa programang Wantëd sa Radyo ang dalawang nagreklamo laban sa manghuhula na si Rudy Baldwin. Matatandaan na isang sikat na manghuhula si Baldwin lalo na sa social media. Dumulog kay Idol Raffy sina Solen Itaya at ang dating manager ni Baldwin na si Elzen Estores o mas kilala noon bilang Bonita Pascual.




Hindi na nga napigilang matawa ni Idol Raffy nang marinig sa babaeng nagrereklamo ang dinahilan ni Baldwin kung bakit nagkamali ang kanyang hula.

Ayon sa kuwento no Itaya, nagpahula umano siya kay Baldwin noong kung ano ang magiging gender ng kanyang apo na ipinagbubutis ng kanyang anak. At ang hula ni Baldwin ay babae dahil ito rin naman ang ninanais ni Itaya. Ngunit, nang lumabas ang bata, ay ibinalita ng doktor sa kanila ng lalaki ang isinilang.





Idol Raffy: "So nang manganak po ang inyong anak ano po ang lumabas?
Nagrereklamo (Itaya): "Lalaki. Na-shock po kami. So binalikan ko po sya, tinawagan ko sya (rudy baldwin) sabi ko "madam mali po yung vision nyo. pinakita ko pa yung pusod sabi nyo nasisilip nyo babae". Ang sinagot nya po sa'kin "pasensya na kasi nakadapa puwet pala yung nakita ko"




At may isa pa ngang nagreklamo, at ito ay si Estores na hinulaang magiging Mayor umano ng Bulacan. Dahil paniwalang-paniwala umano siya sa mga hula ni Baldwin ay ibinenta niya ang kanyang mga ari-arian.

Tumanggi naman si Baldwin na umere sa programa at magbigay ng pahayag. Nag-iwan na lamang siya ng mensahe kay Idol Raffy na wala umanong katotohanan ang mga ibinabat0ng aligasyon sa kanya.


No comments