Mag-asawang Kristine at Oyo Sotto, Masayang Ibinahagi ang Larawan ng Kanilang Ika-Limang Anak!


Si Victtorio Mari Sotto o mas kilala bilang Oyo Boy Sotto ay isinilang noong Enero 12, 1984. Ang ang kanyang mga magulang ay sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Siya ay pamangkin ni Toto Sotto habang ang kanyang mga kapatid naman ay sina Danica Sotto, Vico Sotto (half-brother) at ang kanyang mga pinsan ay sina Gian Sotto, Ciara Sotto at Miko Sotto.  Si Oyo Sotto ay isang kilalang artista at kasalukuyang nasa GMA-7 network.


Si Kristine Hermosa Orille-Sotto o mas kilala bilang Kristine Hermosa ay ipinanganak naman noong Setyembre 9, 1983. Marami na rin ang mga pinagbidahang palabas at pelikula ni Kristine tulad ng Pangako Sa'yo, Sana'y Wala Nang Bukas at Dahil May Isang Ikaw.

Ang mag-asawang Kristine at Oyo Sotto ay mayroong limang anak. Sila ay sina Ondrea Bliss Sotto, Kristian Daniel Sotto, Marvic Valentin Sotto II, Kaleb Hanns Sotto at ang pang-lima o ang bunso naman ay si Victorio Isaac.



Nitong Agosto 3, 2021 11:47 p.m na isinilang si Victorio ni Kristine. Masaya namang ibinahagi ni Oyo ay panganganak ng kanyang misis at nagpasalamat sa Diyosdahil natupad ang kanilang kahilingan.

"Aug 3, 2021 11:47 p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful! Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga.


"To my family and friends, thank you for all of your prayers. I love you (heart emoji)

"Welcome to the world Vittorio Isaac."

"I love you @khsotto"

1 comment:

  1. so cute tlga ng pamilya na eto. ang gwapo ni oyo at ka gwapa tlga ni tin...

    ReplyDelete