Angel Locsin at Neil Arce, Kinasal Na!




Si Angelica Locsin Colmenares-Arce o mas kilala bilang Angel Locsin ay isang sikat na artista. Siya ay ipinanganak noong Abril 23, 1985. Naging usap-usapan ang engagement nila ng kanyang dating boyfriend na ngayon ay asawa na niya na isang film producer na si Neil Arce. Viral naman ngayon ang ilang wedding photos ng bagong mag-asawa sa social media.




Maraming palabas at pelikula na ang pinagbidahan ni Angel at karamihan dito ay talaga naman tinutukan na marami. Sa katunayan ay sobra ang kasiyahan ng kanyang mga fans nang mabalitaan ang magandang balita na nagpakasal na ang kanilang idolo na si Angel at sa boyfriend nitong si Neil.

Naging bahagi si Angel ng GMA Network at kasama sa mga pinagbidahan niya ay ang Mulawin at Darna na talagang tumatak sa marami. At lumipat siya sa ABS-CBN at pinagbidahan ang Lobo kung saan nakakuha siya ng International Emmy Award. May mga pelikula din siyang pinagbidahan kasama na ang In The Name of Love at One More Try.





Taong 2013 nang maipanalo niya ang FAMAS Award at Film Academy of the Philippines Award. Marami na ang napagdaanan ng aktres sa industriya ng showbiz kaya naman iba ang naging saya ng kanyang mga fans nang tuluyan nang magpakasal ang dalawa.




Maraming mga netizens ang bumati sa dalawang bagong kasal. Kung makikita sa larawan ay isang simpleng Civil Wedding Ceremony ang naging kasal ng dalawa, bagaman ay makikita ang saya nila ng maging iisa na lamang sila. Binasbasan ni Taguig Mayor Lito Cayetano ang dalawa.


No comments