Watch | Tatay Jimmy, May Payo kay Sen. Manny Pacquiao: "Kung sa prutas, 'di ka pa hinog Sir Manny."




Isang matandang lalaki na kinilalang si "Tatay Jimmy" ang nakapanayam ng vlogger na si Janice Llander. Ang video ay nagpapakita kung paano pinayuhan ni Tatay Jimmy si Sen. Manny Pacquiao sa pagtakbo nito sa darating na Election 2022. Mapapanood ang kabuuang video sa Youtube Channel na nagngangalang JANICE LLANDER Vlog. Ang naturang video ay inupload nitong Hulyo 13.




Ayon sa sinabi ni Tatay Jimmy ay kung baga sa prutas ay hindi pa umano hinog si Sen. Manny. Sinabi nitong mali umano ang ginawa nitong pagbanggÄ kay Pres. Rodrigo Duterte dahil maaaring mahalukat ng politika ang kanyang personal na buhay tulad ng kanyang misis na si Jinky Pacquiao at kakambal nito at maging ang kanyang mga anak ay maaari ding madamay.

"Ang masasabi ko lang, sorry sir Pacquiao hindi ka pa hinog, hindi ka pa dapat tumakbo at kung tumakbo ka man ng Presidente ay hindi ka na nag comment ng mga kung ano ano," ani ni Tatay Jimmy.





"Nakalkal tuloy ang pagkatao mo, papaano ngayon yan sir Pacquiao, basa ang papel mo, makakabangga mo pa ang Presidente, baka hindi ka pa akuin niyan at ilaglag ka," dagdag niya pa.

"I'm just telling you the truth, kumbaga sa prutas hindi ka pa hinog, dapat nagpahinog ka muna bago ka umentra, look instead na tahimik ka nagulo ang buhay mo."

"Baka makalkal pati ang asawa mo, kakambal ng asawa mo, 'yung mga anak mo damay damay, dapat inisip mo ‘yun sir Manny," dagdag niya pa.




Sinabi din niyang sa bawat hakbang na ginagawa ni Sen. Pacquiao ay dapat pinag-iisipan niya ng 1,000 beses. Hindi din maibabalik umano ng pera niya ang kanyang reputasyon na kahit gumamit pa itong salapi kung nasira na ito ay wala na rin.

Ang pera palamuti lang yan, pero pagkasira ng tao mahirap tabunan ng pera, ewan ko lang kung matatabunan mo ng pera ‘yung pagkasira ng pagkatao mo,” saad niya.

Panoorin ang naturang video:



No comments