Watch | Angel Locisn, Binigyan ng Pera ang Isang Ama na Nakita Niyang Umiiyak sa Hospital!



Nakakatuwa sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa at nakakamangha rin ang makasaksi ng mga mabubuting ginagawa ng mga tao para sa kapwa nila.

Kilala si Angel Locsin bilang isang aktres. Kamakailan lamang ay nag-viral ang ginawa niya noong Community Pantry na dinagsa na maraming tao. Kasabay ng kanyang kaarawan ay nagbigay siya ng tulong sa mga tao.




Ngunit, sa hindi inaaasahang pangyayari ay dinagsa ng maraming tao ang kanyang community pantry na naging dahilan ng ilang kawalan ng social distancing. Bagamat ganito ang nangyari ay lubos na kinamanghaan ang aktres dahil sa kabutihan ng pusö nito na ang tanging layunin lamang ay makatulong sa mga Pilipino.

Marami na ang natulungan ng aktres. Karamihan dito ay ang mga canc3r patients at mga estudyante na binigyan niya ng pagkakataon na makapag-aral.





Isang video naman ngayon ang a-viral at lubos na hinangaan ng marami. Ayon sa post ay nagulat ang mga taong nakakita sa magandang ginawa ng aktres. Makikita sa video kung paano inabutan ni Angel ang isang lalaki ng pera.

Ayon sa mga nakasaksi, umiiyak umano ang isang ama nang bigla itong nilapitan ng aktres at inabutan ng pera. Nagulat ang mga tao doon at hindi nila lubos akalain na gagawin ito ng aktres dahil akala nila ay sa balita lamang nakikita ang mga ganitong klase ng eksena.




Tunay ngang mabuti at busilak ang pusö ni Angel. Sana ay marami pa siyang matulungan. Narito ang pahayag sa post ng @dagamiRRT sa kanilang tweeter account, "Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions ginawa niya. Myghaaad. Sana marami pang katulad niyo!!! Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu"



No comments