Watch! Kiko Matos, May Mensahe Kay Rendon Labador na Sum@mpal sa Kanya: "Idedem@nda Kita!"



Si Francisco Manabat Perestrelo de Matos o mas kilala bilang Kiko Matos, ay isang aktor na nakita sa "The Superparental Guardians" bilang Gungster kasama si Coco Martin at Pepe Herrera at ginampanan pa ang ilan sa Pilmograpiya sa The Spider's Lair taong 2013, Alimuom noong 2018 at Nilalang noong 2015. Isa din siyang vlogger o youtuber na nagngangalan "Kiko Matos".




Viral naman ngayon ang isang video kung paano sinampal ng fitness coach at motivational speaker na si Rendon Labador ang aktor na si Kiko Matos kahapon sa isang event na "Battle of the Youtubers".

Nanggigigil naman sa galit si Kiko sa ginawa sa kanyan ni Rendon. "Tama ba 'yung ginawa ni Rendon ha?" tanong ni Kiko para kay Rendon.

"Sampal sabay takbo ano 'yun? Ano ang tawag don? Ano ang tawag doon Rendon, duwag. Duwag ang tawag don Rendon!" saad pa ni Kiko.





Nakakaramdam ng inis ang aktor dahil hindi man lamang umano siya nakabawi kay Rendon dahil pinigilan siya ng mga bouncer sa naturang event. Nangako din ang aktor na idadaan niya ang nangyaring ito sa korte.

"Magdedemanda ako!" saad ni Kiko.

Sa video ay ipinakita din ng aktor kung gaano katindi ang nangyari sa kanyang ulo nang sampÄlin siya ni Rendon.




"Ang babaw ng kaligayahan niyo. Tumakbo siya na parang bata, sampal niya parang bata. Sampal sabay takbo, ano ‘yon? Ang laki-laki mong tao," ani ni Kiko.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Rendon sa mensahe sa kanya ni Kiko. Sa event ay sinabihan ni Rendon na hindi umano maaaring lahat ng influencer ay hindi niya papakitaan ng respeto.

"Ang masasabi ko kay Kiko, hindi lahat ng influencer pwede mong ganyanin, hindi lahat pwede sa scripted, wag mo akong igagaya sa mga binabata bata mo na influencer. Kung gusto mong magdemanda, mag demanda ka," ani ni Rendon.



No comments