Isang Ina sa Southern Leyte, Niregaluhan ang Kanyang 11-Anyos na Anak ng Cake na 'Nilupak na Saging'




Sa tuwing may dumarating na kaarawan ng isa sa ating pamilya ay kadalasang pinaghahandaan ng masasarap na pagkain lalo na kung kaarawan ng bata. Madalas na makikita sa isang handaan ang spaghetti, fried chicken, at cake. Ngunit dahil sa hirĂ¥p ng buhay ng marami sa atin lalo na sa panahon ngayon ng pand3mya ay hindi na nagagawang makapaghanda.




Viral naman ngayon ang larawan ng isang bata na may hawak na cake na 'nilupak na saging' na gawa ng kanyang ina.

Ang inang ityo ay kinilalang si Lea Orito Cruza. Nag-viral ang kanyang post matapos na ibahagi ito sa kanyang facebook account. Makikita sa kanyang post ang larawan ng kanyang anak na nagdiwang ng ika-11 taon nito habang hawak ang cake na mismong si Lea ang may gawa.

Hinangaan siya ng marami dahil sa kabila ng kakapusan ay nakagawa ng paraan ang ina na si Lea na mabigyan ng cake at mairaos kahit na simple ang kaarawan ng kanyang anak.





Narito ang pahayag ni Lea sa kanyang post:

"Happy birthday dong, hinaot unta tagaan paka ug kabaskog sa lawas ug kaon na ug 2da aron manambok na hehehe hinaot unta mahorot ng akong hinemu na nilosak cake nemu hahaha gkapoi rba Jud qo ug lusak ana dong, hahaha iloveyou..."

["Happy Birthday Dong, sana ay bigyan ka pa ng malakas na pangangatawan at kain ka ng marami para tumaba na hehehe sana maubos mo ang aking ginawang cake hahaha napagod akong gawin yan dong iloveyou..."]




Marami naman sa mga netizens ang napahanga kay Lea nang bigyan ang kanyang anak ng cake sa kabila ng estado nito sa buhay. Nanatili pa rin ang pagiging ina nito at nabigyan ng maayos na pagdiriwang ng kaarawan ang kanyang anak. MArami din ang bumati sa kanyang anak.



No comments