Watch | Isang Babae sa Isabela, Lakas-loob na Nag-propose sa Kanyang Kasintahan!




Isa sa mga pinapangarap ng mga kababaihan ay ang mag-propose ang kanilang kasintahan na pinapangarap makasama sa habang buhay. Ang pagpoporose sa kanyang kasintahan ay kadalasan na ginagawa ng mga kalalakihan. Hinihingi nito ang kamay upang isuot ang singsing na sumisimbolo sa tunay na pagmamahal ng lalaki para sa kanyang kasintahan.




Pag-aalok ng kasal ang kahulugan ng proposal. Sa tradisyon natin na kadalasan natin sinusunod, matapos ang pagpopropose ay ang sunod naman na hihingiin ay ang pagpayag ng magulang ng babae.

Ngunit, kabaligtaran ang nangyari sa isang babae sa Isabela dahil imbis na ang kanyang kasintahan ang magpopropose ay ginawa na niya ito sa kanyang long-time boyfriend na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Hindi lubos akalain ng lalaki na magpopropose sa kanya ang kanyang kasintahan dahil ang inaakala lamang niya ay ang surpresa na ginawa nito ay para lamang sa kanyang kaarawan.




Walong taon nang magkasintahan sina Richard Angeles at Lyka Domingo. Naisipan ni Lyka na isurpresa ang kanyang nobyo ng isang birthday/proposal surprise.




May mensahe naman si Lyka para sa mga kababaihan na tulad niya, "Huwag kayong mataköt at mahiya. Gawin ang mga bagay na magpapakita kung gaano n’yo kamahal ang inyong kasintahan."

Marami naman ang namangha sa lakas ng loob ni Lyka na mag-aya ng kasal para sa kanyang nobyo. Ayon sa isang komento, "How is this an issue, especially to most women? Some men are even too anxious to propose because they might get rejected, that's why some women will be the one to initiate first."



No comments