Anak Ni Michael V. na si Brianna, Ga-graduate na sa Kolehiyo sa Ateneo De Manila!




Si Michael V. o kilala din bilang "Bitoy" ay isang sikat na aktor at komedyante na kasalukuyang nasa GMA network. Si Bitoy ay pinagbidahan ang palabas na "Pepito Manaloto" kung saan ay isa siyang padre de pamilya na dating mahirap at biglang yumaman nang manalo sa lotto. Isa din siya sa komedyante sa palabas tuwing biyernes ng gabi na pinamagatang "Bubble Gång".




Kamakailan lamang ay ibinahagi ng kanyang anak na si Brianna Bunagan ang graduation photo niya sa kanyang instagram account. Si Brianna ay isa na rin Kapuso Star nitong Hulyo 14. Talentado din si Brianna tulad ng kanyang ama.

Sa wakas, makakatapos na sa kolehiyo si Brianna at lubha naman siyang ipinagmamalaki ng kanyang ama. Sa post ni Briaana ay mayroon itong caption na #Gradwaiting.





Siya ay ga-graduate sa Ateneo de Manila University na may kursong Bachelor;s Degree in Fine Arts Major in Theatre Arts. Dahil dito ay hindi na naiwasan ng kanyang ama na mag-comment sa larawan ni Brianna na proud na proud sa achievement ni Brianna.

"Beauty and brains! Proud of you baby girl! Love you," komento ni Bitoy.

Si Brianna ay mahusay na mang-aawit at mahilig din sa pag-arte tulad ng kanyang ama. May inilikha ding kanta si Brianna na may pinamagatang "Ayoko Na".




Bukod kay Brianna ay mayroon pang mga anak si Bitoy, ito ay sina Milo, Migo at May Paul.

Tunay nga na 'like father, like daughter' ang mag-ama na sina Brianna at Michael V. Marami naman ang nagbigay ng pagbati kay Brianna sa kanyang social media acoount.



No comments