Watch | Idol Raffy Tulfo, Nagbigay ng Tulong sa Isang Lolo na Naglalako ng Gulay na nabubuhay Mag-Isa!



Marami na ang natulungan ng "Hari ng Public Service" na si Idol Raffy Tulfo. Sa ngayon ay mayroon ng humigit 20.4 million subscribers ang kanyang Youtube Channel na Raffy Tulfo in Acti0n. Kamakailan lamang ay na-ere sa kanyang programa na 'Wanted sa Radyo' ang isang lolo na mag-isa na lamang sa buhay at nagtitinda ng gulay sa kalye.


Sa tulong ng pag-post ng concerned netizen na si Juribel Esmero ay nabigyang pansin ang kalagayan ni Lolo Renato Esmero, 71-anyos.

Mag-isa na lamang umano sa buhay si Lolo Renato kaya naman, para mabuhay ay nagsusumikap siyang kumayod sa buhay sa pamamagitan ng paglalako ng mga gulay sa kalye. humahango lamang umano si Lolo Renato ng mga gulay upang may maitinda at kumita. Maswerte na umano siya kung kumita siya ng Php150 sa isang araw.



Nang usisain pa ni idol Raffy ang sitwasyon ni Lolo Renato ay napag-alaman niyang nakatira lamang ito sa tabing-ilog kung saan maaaring magdulot ito ng pangÄnib sa kanya. Ilang beses na umanong inaayos ni Lolo Renato ang kanyang bahay dahil sa tuwing bumabagyo ay nasisira ang kanyang bahay.

Dahil dito, ihahanap ng programa ni Idol Raffy si Lolo Renato ng lupa kung saan maaaring pagtayuan ng bahay nito. Bibigyan din ni Idol Raffy ng pinansyal na tulong si Lolo Renato para sa kanyang puhunan sa pagtitinda ng gulay na nagkakahalaga ng Php30,000.


Bukod pa rito ay ipapagam0t din si Lolo Renato kaya magpapadala si Idol Raffy ng staffs para maasikaso si Lolo Renato. Tunay ngang mabuti ang Maykapal at nagbigay siya ng instrumento tulad ni Idol Raffy na handang tumulong sa mga nangangailangan. Sana ay marami pa siyang matulungan.

No comments