Watch | Customer na Nag-post Tungkol sa "Fried Towel", Dumulog kay Idol Raffy Tulfo!


Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang post tungkol sa "fried towel" na naideliver sa isang customer na si Angelique Perez. Dahil dito, dumulog si Perez sa programa ni Idol Raffy Tulfo sa Wanted sa Radyo. Nilinaw naman ni Idol Raffy  na hindi makakasuhan si Perez dahil ang ginawa niyang pag-post sa social media ay isang awareness sa mga tao at hindi isang paninira sa fast food na Jollibee.


Nakapanayam ni Idol Raffy si Perez at ang Grab Food Rider na nag-deliver sa kanya ng "fried towel". Nilinaw din ni Perez na tunay ang kanyang pinost at hindi ito paninira sa Jollibee. Nais niyang huwag mahusgahan dahil hindi totoo ang hinala ng ilang netizens na gawa-gawa lamang ang kanyang post.

Wala umano siyang contact number sa branch ng establisyemento kaya naman idinaan na lamang niya ang reklamo sa Grab Food Rider na nag-deliver sa kanya. Binanggit din ni Perez na may nakausap siyang staff sa naturang branch at nangako umano sila sa kanya na iimbestigahan nila ang insidente.




Nang mag-viral ang kanyang pinost sa social media ay may isa namang netizen ang nag-mensahe sa kanya at sinabi na nangyari din sa kanya ang kaparehong insidente. Nakatanggap din siya ng "fried towel" imbis na fried chicken.


Idinulog din niya kay Idol Raffy kung ano ang maaaring maging panagutan ng naturang branch ng Jollibee. Tinanggihan din umano ni Perez ang alok na refund ng naturang establisyamento.

Panoorin ang kabuuang video:

10 comments:

  1. may cctv naman s jollibee pede nila un icheck..

    ReplyDelete
  2. may cctv naman s jollibee pede nila un icheck..

    ReplyDelete
  3. may cctv naman sa jollibee bakit di nla un icheck

    ReplyDelete
  4. Ideniliver yan sa branch ready to fry. Kaya nasa nagsupply ng product ang gumawa niya.

    ReplyDelete
  5. ,bakit may kalamansi sa tabi ng order mo?db wala o d nmn ginagamitan ng kalamansiang order mo...at iba din ang lalagyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi po ready fry pag galing dilever kailangan mo pang lagyan ng breeding mix yan..

      Delete
  6. I don't want judging people, but all i can say is God is watching us...

    ReplyDelete
  7. Sinadya na yan. O binayaran ang ginawa yan about sa jollibee. May galit yan sa jollibee.

    ReplyDelete
  8. May dahilan bakit yan ang ginawa ng tao na un. Sinadya yan. May taong gumagawa nyan.

    ReplyDelete