Pulis, Hinangaan ng Maraming Netizens Matapos na Masagip ang Buhay ng Isang Lalaking nalulunod!



May ilan man sa ating mga kapulisan ang gumagawa ng hindi maganda sa ating mga kababayan ay marami pa din ang may mabubuti ang kalooban at buong pus0ng handang tumulong sa mga tao. Bukod sa pagbibigay ng kaligtasan laban sa mga masasamång kalo0ban ay handa din silang sumagip ng buhay lalo na sa mga oras na kailangan ang kanilang tulong.


Marami ang napabilib sa ginawang kabayanihan ng isang pulis na si Patrolman Maynard Llapitan matapos na sagipin ang buhay ng isang lalaki na muntik nang malunod sa Abuan River sa Ilagan City, Isabela.

Ayon sa mga nakasaksi sa nangyari, nagpapatrolya umano ang pulis noong Biyernes ng umaga nang marinig nito ang sigawan ng ilang mga residente doon at humihingi ng tulong para sagipin ang buhay ng nalulunod na si Ramon Domingo, 40-anyos.



Matapos masagip ay naidala si Ramon sa pampang at agad namang binigyan ng paunang lunas ng pulis. Matagumpay namang nai-revive ng pulis ang buhay ni Ramon.

Agad namang dinala si Ramon sa ospital matapos na magkamalay. Lubos naman ang pasasalamat ng mga kaanak ni Ramos sa pulis sa kabayanihang ginawa nito.


Ang ilang pulis na hindi gumagawa ng maganda ay hindi maihahalintulad sa mga pulis na may pagmamahal sa taumbayan. Katulad na lamang ni Patrolman Llapitan na hindi nag-alinlangan ng sinagip ang buhay ng isang lalaki.

No comments