Mag-amang Nagtitinda ng Lobo, Hinahanap ng mga Netizens Para Mabigyan ng Tulong!



Marami sa ating mga kababayan ang nakakaranas ngayon ng matinding kahiråpan. Ang ilan pa sa kanila ay hindi lamang doble ang pagsisikap kundi maraming lakas ang kanilang ibinubuhos makaraos lamang sa pang araw-araw. Isang larawan ang lubhang nagpaantig sa mga pus0 ng mga netizens matapos na mag-viral sa social media.




Makikita sa larawan ang ama na natutulog habang hawak ang bisikleta na may nakasakay na bata. Ang mag-ama ay animo'y nagpapahinga sa gilid ng kalsada at tila naghihintay ng may bibili sa kanila ng lobo.

Isang concerned netizen ang naghahanap sa mag-ama para mag-abot sana ng tulong. Ang concerned netizen ay kinilalang si Shiwen Lim sa kanyang facebook account. Umabot na sa 17k reactions, 1.4k comments at 19k shares ang kanyang post.





Nais sana ni Shiwen na bilhin na ang panindang lobo ng mag-ama at sasagutin na niya ang isang buwang gastusin ng mag-ama. Pinapasabi din ni Shiwen sa kanyang post na pinapahanap umano ni God sa kanya ang mag-amang ito.




Narito ang kanyang post:

"Sino nakaka kilala kay tatay? Pashare naman para umabot sa kanya Pakisabe kai tatay gusto ko ng lobo bibilhin ko lahat pamigay nya sa mga batang makita nya tapos sasagutin ko na pangastos nila ng isang buwan lalong lalo na po yung bata. Pakisabe pinapahanap sya ni God saken. Tulungan nyo po akong mahanap sya. Salamat"



No comments