Idol Ivana Alawi, Emosyonal na Nagpasalamat sa Tinatamasa Niyang Tagumapay Ngayon!



Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi ay isang sikat na Filipino-Moroccan na artista, model at Youtuber o vlogger. Si Ivana Alawi ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Filipino ang kanyang ina habang ang kanyang ama ay isang Moroccan. Kilala din ang kanyang bunsong kapatid na si Mona Louise Rey na isa din dating artista noong siya ay bata pa.




Kung dati ay pangarap lamang ni Ivana Alawi na makita sa Telebisyon at kahit extra lamang ay masaya na umano siya. Ngayon ay nasa billboards at commercial na ang aktres.

"Dati nangarap lang ako na makita ko sarili ko sa TV kahit extra lang masaya na ako. Ngayon nasa billboards and commercials na tayo Salamat sa pagmamahal. Dreams really do come true! Pray and work hard. I believe in you!" pahayag ng aktres sa kanyang tweet.





Hindi lamang basta naabot ang kanyang pangarap dahil bumubuhos ang biyayang natatanggap niya at ng kanyang pamilya.

Dahil dito, lubos ang kanyang pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kanya. Payo niya sa mga taong may pangarap sa buhay, magdasal at magsumikap upang makamit ang pangarap katulad ng nangyari sa kanya na higit pa sa pangarap niya ang natupad.




Sa ngayon ay may humigit 13 million subscribers na ang kanyang Youtube. Maituturin na isa sa pinakamatagupay ng vlogger si Ivana Alawi dito sa Pilipinas. Tunay nga na ang pagdarasal at pagsusumikap ay susi sa pag-abot ng pangarap.

No comments