Isang Ama, Nangongolekta ng Barya Upang Makabili ng Oxygen Tank Para sa Kanyang Anak!


Marami sa atin ang nakakaranas ng matinding pagsubok sa buhay. Kinakailangan lamang ng pagtitiis at matinding pagsusumikap upang malagpasan ang mga hamon ng buhay na dumarating sa atin. Kung sa ibang tao ay wala nang halaga ang sentimo at itinatapon na lamang, sa isang ama ay napaka laking halaga nito.


Ang mapagmahal na ama ay kinilalang si Joseph Rapiz, isang rider at may anak na mayroong malubhang karamdaman. Para kay Joseph, napakahalaga ng bawat sentimo sa kanya dahil kapag pinagsama-sama niya ang mga ito ay maaaring makaipon siya ng malaking halaga para sa pangangailangan ng kanyang anak.

Kinilala ang anak ni Joseph na si Jammier. Si Jammier ay may focal structural ep3lepsy at cerebëral pålsy quadriparesis. Ang pinaka-importanteng suporta para kay Jammier ay oxygen dahil kung wala siya nito ay maaaring magdulot ito ng hindi maganda para sa kanyang buhay.



Buwan-buwan din umanong may såkit si Jammier kaya halos Php16,000 ang gastos nila para sa pampagam0t nito. Kaya naman, nagsusumikap mabuti si Joseph para sa kanyang anak. Binibigyan din niya ng importansya ang bawat sentimo kaya masikap niyang iniipon ito para may pang-tustos at pang-dagdag sa kinikita niya.


Kamakailan lamang ay nang buksan niya ang alkansya ay may laman na itong nagkakahalaga ng Php1,500 na may katumbas na tatlong oxygen tank refill para sa kanyang anak. Isang paalala lamang ito na kung sa atin ay hindi importante ang isang bagay, sa iba ay lubos na mahalaga at malaking tulong na para sa kanila.

No comments