Dimples Romana, Naglulukså sa Pagpånaw ng Kanyang Lola: "Hindi po ako handa.."



Si Dimples Romana ay isang batikang aktres. Taong 2019 nang ginanapan niya ang kontra-bida role bilang si Daniella Mondragon-Bartolome sa palabas tuwing hapon na Kadenang Ginto. Nag-viral noon ang karakter niya na naglalakad suot ang pulang damit at bitbit ang kanyang maleta. Naging meme din ang kanyang larawan sa internet.




Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres sa kanyang instragam post ang larawan niya kasama ang kanyang lola. Makikita sa kanyang caption ang paglulukså sa pagpanåw ng kanyang lola. Pumanåw ang kanyang paternal grandmother sa edad na 89-anyos.

"There goes my (broken heart emoji). Mahal na mahal kita Mamay. Hindi po ako handa. Pakiyakap na lang si Pebbles at Papa dyan ha. Nakapako sa alaala ko ang ngiti mong ito," ani ng aktres.





Sa isa niyang post ay binaggit niya na siya ay 'forever a Lola's girl'. Pinasalamatan din ni Dimples ang mga nagpadala ng mensahe sa kanya at sa kanyang pamilya. Ngayon ay nasa mapayapang lugar na ang kanyang Mamay.




"Maraming Salamat po for all the heartwarming messages you have sent our family’s way. Today, after prayers and tears I received a sign my dearest Mamay is now at peace and in a happy place in heaven. From now on I’ll celebrate the life that she has lived and I vow to continue to strive to make her proud in everything that I do. Forever a Lola’s girl."

No comments