Panoorin | Pari Na Diumano'y Naki@pid sa Asawa ng Isang Doktor, Viral na!



Naging maingay sa social media ang isyu patungkol sa isang pari sa Pampanga na diumano'y nakiåpid sa asawa ng doktor. Mabilis na kumalat ang naturang video sa inernet. Mapapanood ang naging komprontasyon ng doktor sa alagad ng simbahan. Makikita rin ang pagwawala nito habang sinisigawan at sinasabihan ng masasåkit na salita ang pari.


Nito Mayo 3 nang mag-umpisang kumalat ang video. Dala ng pamilya ng doktor ang kanilang family portrait at sa harap ng pari ay sinira niya ito. Dinala din nila ang naka-maleta at naka-bag na mga damit at gamit ng kanyang misis na tila ipinauubaya na sa pari.

Habang kinokompronta ng doktor ay humingi naman ng tawad ang pari na lalong ikinagalit ng doktor. Hindi niya rin napigilang sabihin ang isa sa kautusan ng Diyos; "thou shall not c0vet they neighbor's wife."


Matindi ang gålit na nararamdaman ng doktor maging ang kanyang mga anak na kasama rin sa naturang video. Sa katanuyan, isa sa kanyang mga anak ang kumuha ng video na kumakalat ngayon sa social media.

Hindi rin napigilan ng mister na tawaging 'ahås' ang pari. Wala namang kibo ang misis at nanatiling tahimik lamang habang ang kanyang asawa ay naglalabas ng saloobin nito.


Nakipag-ugnayan na rin ang Archbishop Florentino Lavarias Archdiocese of San Fernando sa paring sangkot sa naturang iskandalo at sinabi nitong ipinapanalangin nila ang patnubay ng Diyos upang mabigyang linaw ang pangyayaring ito.

No comments