Watch | Mystica, Walang Awang Pinagmumurå si Jam Magno Dahil Kay Rabiya Mateo: "Hindi bababa si Rabiya sa level mo!"



Marami ang lubhang nalungkot matapos na hindi makapasok sa Top 10 ang ating pambato na si Rabiya Mateo. Bagamat nabigo na masungkit ang korona ay matagumpay namang nairaos at nabigay ni Rabiya Mateo ang lahat ng kanyang makakaya upang ipagmalaki sa buong mundo ang bansang dinadala niya at ito ang Pilipinas.


Kumalat naman sa social media ang video clip at mensahe ni Jam Magno tungkol sa nangyari sa 69th Miss Universe Pageant at kay Rabiya Mateo. Labis naman itong binatikos ng maraming Pilipino. Kamakailan lamang ay kumakalat na na-banned ang account ni Jam Magno sa Tiktok at maging ang kanyang tweeter account ay nasuspende.

Kasunod ng issue na ito ay nagbigay naman ng mensahe si Ruby Rose Villanueva o mas kilala bilang Mystica para kay Jam Magno. Wala ring awang pinagmumurå ni Mystica si Jam Magno dahil sa mga sinabi nito kay Rabiya Mateo.



Sinabi niya sa naturang video na hindi papatulan ni Rabiya si Jam dahil kahit kailan ay hinding-hindi ito bababa sa level nito. Ang pahayag na ito ay lubos na sinang-ayunan ng mga netizens.

"Ikaw kaya ang maging kandidata ng Miss Universe in order to represent the Philippines, it takes a lot of energy, it takes a lot of guts, it takes a lot of intelligence, it takes a lot of strong determination, it takes a lot of intellectual being na walang wala ka," paghahamon ni Mystica kay Jam Magno.


"Akala mo kapag nakapag ingles ka na 'yun na 'yon? It's not how you define somebody who's really genius, you don't even a little of quality that would level to her," dagdag niya pa.


Hindi nagpatalo si Mystica sa pag-iingles at game na game rin siyang magbitaw ng kanyang saloobin kay Jam Magno. Marami sa mga netizens ang nag-cheer pa para sa kanya dahil tama naman umano ang sinsabi nito.

Panoorin ang kabuuang video:

No comments