Watch | 8-Anyos na Bata, Nangungutang sa Tindahan Para sa Inang May Malubhang Karamdaman.
Natagpuan ng vlogger sa isang tindahan ang batang babae na si Jenny. Nangungutang umano ng kape at asukal si Jenny para sa kanyang ina na kumakalam na ang sikmurå. May malubhang karamdaman din ang kanyang ina kaya naman si Jenny na ang gumagawa ng mga gawaing bahay.
Si Jenny na lamang ang nag-aalaga sa bunso at sa iba pa niyang kapatid. Mabuti na lamang ay mabait ang may-ari ng tindahan na inuutangan ni Jenny. Kahit na alam nitong matagal bago sila makakabayad ay pinapautang pa rin niya ito. Sa katunayan ay isinama ng kanyang mister sa trabaho ang ama ni Jenny para kahit papaano ay may kinikita ito at may pang suporta sa kanyang pamilya.
Marami naman ang sumaludo sa ginawang kabutihan ng vlogger sa pamilya ni Jenny. Hiling ng mga netizen na marami pa siyang matulungan na lubhang nangangailangan.
No comments