Isang Netizen nais Ipa-Lala Move ang Tulong na Hinihingi sa isang Community Pantry!



Matapos na mag-viral ang 'Maginhawa Community Pantry' na ang layunin ay magbigay ng tulong at bukas para sa mga nais na tumulong, sunod-sunod na ang nagtayo ng mga community pantry sa iba't ibang sulok na bansa. Sa bawat community pantry ay may nakasulat na mga katagang "Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan" na isang malaking impact sa mga Pinoy.


Isa namang organizer ng community pantry na si Sofia Madrigal ang nawindang sa isang tao na nagngangalang Mel Fajardo na humihingi ng tulong sa kanilang community pantry. Dahil malayo umano si Mel sa naturang community pantry na inorganisa nila Sofia ay tinanong nito kung ayos lang ba na ipa-Lala move na lamang ang tulong sa kanila.

Agad namang sinabi ni Sofia na ayos lang nhgunit nang sinabi ni Mel na 16 silang magkakamag-anak na nangangailangan ng tulong ay malungk0t na ipinaalam ni Sofia na hindi ito kaya ng kanilang community pantry dahil kakapusin na umano sila.



Sinabi naman niya na makakapag-abot sila ng tulong ngunit sa second batch pa. Sinabi naman ni Mel na huwag na lang sila magbigay ng tulong. Tila napik0n naman si Sofia nang sabihin ni Mel na sana ay hindi na lamang nag-community pantry sila Sofia.



Umabot naman ng libu-libong shares ang naturang post sa social media. Matatandaan na nag-viral din sa social media ang anim na kababaihan na sinimot ang laman ng isang community pantry.

5 comments:

  1. Halata namang di seryosong manghingi at gusto lang mang-asar para magviral. Mga taong wla lang magawa at takaw pansin baka sakaling sumikat sa social media sa maling paraan.

    ReplyDelete
  2. Ediwow! Bahala ka mamatay sa gutom, ikaw na nga nanghingi yung nagbibibay pa ang humahanap ng paraan. 😂

    ReplyDelete
  3. Hala grabe xa Hindi makapaghintay. Kung wala kang magandang masabi tumahimik ka nalang ikaw pa nanghingi kaw pa may attitude gigil mo ko girl.Kodus To Ms. Sofia she handled the situation professionally.

    ReplyDelete
  4. Hehehe hi tech nrin ngayn lalamove nlng. So sino mag bbyad sa lalamove?

    ReplyDelete