Mister na Lasing, Itinali ng Kanyang Misis sa likod ng Motor na Para Bang Isang 'Package'



Nag-viral sa social media ang larawan ng isang misis na itinali ang kanyang asawa sa motorsiklo na para ba itong isang 'package'. Nakita umano ng misis ang kaniyang mister na lasing na lasing kaya niya ito ginawa. Makikita sa larawan na habang nakatali ang mister ay pahiga pa ang puwesto nito na tila ba natutulog lamang. Ang larawang ito ay posible umanong kuha sa Vietnam.


Ito ang ideyang naisip ng misis para maiuwi sa kanilang tahanan ang asawang lasing. Umano ng sari-saring komento mula sa mga netizens ang naturang larawan. May ilan pa na Pinay na nag-komento na maganda ang ideya ng misis na ito, puwede rin nilang gayahin sa kanilang mister kung ito ay malasing din.

Marami ring mister ang nag-komento sa larawang ito at sinabing hiindi ito makatarungan at delikad0 para sa kanilang mga lalaki ang ginawa ng misis na ito. Maaari umano silang mahulog sa motorsiklo at mabålian ng but0.


Ang eksena na ito ay hindi rin maiiwasan sa mag-asawa. Ang alåk ay hindi ginagawang libangan at hindi maaaing madalas dahil nakakasama rin ito sa kalusugan. Maaaring uminom kung mayroong okasyon ngunit dapat limitahan pa rin ang mga sarili.

Hindi rin maganda para sa isang may pamilya na ang madalas na makisama sa kaibigan. Maaari din silang puntahan at makasama ngunit hindi tama na maging madalas dahil maaaring may pamilya din sila. Para naman sa mga misis, maayos na makipag-usap sa mga mister tungkol sa pag-iinom.

No comments