Maris Racal at Kim Chiu, Duda sa Pagkapanalo ng Mexico sa Miss Universe 2021!



Marami sa ating mga kababayan ang nalungkot matapos na hindi makapasok ang ating pambato sa 69th Miss Universe Pageant na si Rabiya Mateo ngunit nananatili pa ring proud sa ginawa niya sa stage ng naturang pageant. Buong loob na rumampa si Rabiya para ibandera ang ating bansa laban sa ibang mga contestants at nakapasok din siya sa Top 21.


Matagumpay namang naipanalo ng pambato ng Mexico na si Andrea Meza sa Miss Universe 2021 ngunit may ilan pa rin ang hindi maiwasang magduda sa kanyang pagkapanalo katulad na lamang ng ilang aktres na sina Kim Chui at Maris Racal.

Hindi napigilan ni Kim Chui na mapatanong sa nangyari sa Miss Universe 2021 at sa pagkapanalo ni Andrea Meza. Sa kanyang tweet ay tinanong niya kung ano ang nangyari sa naturang pageant.


"Ano daw nangyari? Paano naging ganun? Please enlighten me. Hindi Brazil? Not Peru? Not India? No Thailand? No South Africa? At higit sa lahat walang Philippines?! Ano daw?"


"Eme lang! Katuwaan lang mga beshie para gumaan ang loob natin! hehe Ang aga natin nagising! Palakpakan!!!!! But no matter what happened today, We love you Ms. Philippines!!! Congratulations Rabiya! Congrats also to Miss Mexico," ani ni Kim na binigyang linaw ang nauna niyang tweet at tanggap naman niya ang pagkapanalo ni Miss Mexico.


Sa kabilang banda naman ay tila naging apektad0 rin si Maris Racal sa naging desisyon ng mga hurado sa Miss Universe.

Sa kanyang tweeter account ay makikitang mas gusto pa nito na manalo ang Indio o Brazil sa halip na Mexico. Sinabi din ni Maris Racal na 'unexpected' ang pagkapanalo ni Mexico.


"Well that was unexpected... kahit si Miss Brazil na lang sana?"
 ayon sa kanyang tweet.

Bigo man si Rabiya Mateo na maipanalo ang Miss Universe 2021 ay tagumpay naman siya sa pus0 ng mga Pilipino dahil proud na proud pa rin ang mga Pinoy sa ipinakita ni Rabiya at lubos ang pagsusuporta nila sa kanya.

No comments