LOOK | Batang Nakakuha ng Biscuit Galing sa Isang Community Pantry, Masayang Bumalik Para mag bigay ng Gulay!



Patuloy pa rin ang pagdami ng mga community pantry sa iba't-ibang lugar sa bansa. Patunay lamang ito na ang mga Pilipino ay nagbabayanihan sa mga panahon ng sÄkuna at sa panahon ngayon na may pand3mya. Lumalabas ang pagiging matulungin ng mga Pinoy; mapamatanda man o bata. Sa mga community pantry ay maaaring magbigay kahit na sino.


Sa mga ulat tungkol sa mga community pantry ay marami din ang nagbibigay na kababayan natin at kadalasan ay sila pa 'yung mga taong walang wala at salat din sa buhay.

Isang batang babae naman ang hinangaan ng marami. Kamakailan lamang ay nag-viral ang larawan ng batang ito matapos na mag-donate sa isang community pantry.

Ayon sa tweet ni @juneerubyjane noong Abril 23, ikalawang araw umano ng kanilang ginawang community pantry nang humingi ng biskwit si Aya at binigyan naman nila ito. Nagpasalamat din si Aya bago umalis. Mga ilang minuto naman ang lumipas nang bumalik si Aya at nakangiti habang dala-dala ang malunggay.


"Second day ng aming maliit na community pantry. This little girl passed by and asked for a biscuit. Binigyan naman namin siya. She said thank you, and left. After a couple of minutes, bumalik siya, tumatakbo, excited, nakangiti. May dala-dala na siyang malunggay!"


Hindi pa rito natatapos ang lahat. Maya-maya pa ay bumalik pa si Aya upang magdagdag ng donasyon; mga patola at kamote na galing umano sa bakuran ng kanyang lola.


"Bumalik po si Aya kanina. Tinanong niya kami kung puwede pa raw siya magbigay ng malunggay. Natuwa kami at sinabi naming syempre naman. Pinakita ko rin sa kanya iyong mga sinabi ninyo rito sa Twitter. Napangiti at napasaya niyo po si Aya! Salamat po!"

Marami ang napahanga sa ginawa ni Aya dahil sa kabila ng kanyang murang edad ay naisip na niyang tumulong sa iba. Patunay lamang ito na kahit na sino ay maaaring magbigay sa iba basta bukal sa kalo0ban.

No comments