Netizen nalungkot sa kalagayan ng Lalaking Naninirahan sa Loob ng Tambak na Basura,


Marahil ang karamihan sa atin ay hindi masisikmurå ang masansång na amoy ng tambak-tambak na basura. Kahit na mawalan ng tirahan ay mas nanaisin pa ng ilan sa atin ang manirahan at matulog sa kalye kaysa manirahan sa loob ng tambak ng basura. Ngunit paano kung wala ng ibang pagpipilian? Katulad na lamang ng sitwasyon ng isang matandang lalaki na natagpuang naninirahan sa loob ng tambak ng basura.


Ibinahagi sa facebook ni Attorney Kevin Amutan Anarna ang larawan ng matandang lalaki na nadaanan niya. Ayon kay Atty. Anarna, sa loob ng tambak na basura mismo naninirahan ang lalaki. Mahiyain at naiilang umano sa tao si Tatay kaya nahirapan si Atty. Anarna na kunin ang impormasyon nito. Noong una ay ayaw pa umanong sabihin ang pangalan niya ngunit dahil sa pangungulit ay nakumbinsi rin itong sabihin ang kanyang pangalang "Tatay Baldo".


Kalahating katawan lamang umano ang kasya sa loob ng tinutulugan ni Tatay Baldo ayon pa kay Atty. Anarna ay delikad0 pa umano ang pwesto ni tatay baldo dahil kanto iyon at marami na ang naaksid3nte roon. Makikipagtulungan umano si Atty. Anarna sa LGU upang matulugan si tatay baldo na makita ang pamilya nito.

Narito ang kabuuang pahayag ni Atty. Anarna:

"Nakadaan na po ba kayo sa may kanto ng Brgy. Biluso sa Silang? Napansin ninyo siguro yung parang may bundok ng basura sa kanto."


"May nakatira po doon sa loob. Medyo mahiyain si tatay at mailang sa mga tao kaya mahirap kumuha ng impormasyon sa kanya. Pero sa pangungulit namin ay nabanggit niya na Baldo daw ang pangalan nya at nakatira siya sa San Pablo, Laguna."

"Sobrang liit lang ng tinutulugan ni Tatay Baldo. Kalahati lang ng katawan nya ang kasya sa loob ng tambak ng basura. Hindi ko maisip kung paano na ang kalagayan ni tatay tuwing may bagyo o umuulan. Delikado rin sa kanto na iyon na maraming naaksid3nte."


"Hopefully makita na natin ang pamilya ni tatay Baldo at makauwi na siya sa piling ng nag-aalalang kamag anak niya. Tulong-tulong ay hinahanda na natin ang malilipatan na maayos na bahay at lupa ni tatay Baldo."

2 comments: