Jeepney Driver, Matagumpay na Nakapagtapos ng Kolehiyo sa Isang Unibersidad!
Sa edad na 17-anyos ay suma-sideline sa pamamasada ng jeep si Marvin. noong una ay tutol ang kanyang mga magulang ngunit kinalaunan ay napapayayag niya rin ang mga ito.
Upang mairaos ang sarili sa pag-aaral ay naisipan niyang maging isang tsuper ng jeep. nais din niyang makatulong sa mga magulang kaya naman upang makatapos ay nagsumikap siyang pag-aralin ang sarili at hindi umasa sa magulang.
Nagpasalamat si Marvin sa mga kapwa niya tsuper na kahit papaano ay tinutulungan siya, sa mga traffic enforcer na pinapalusot siya sa tuwing siya ay male-late na, sa mga guro na walang sawang utmulong sa kanya, sa mga kaklase na nariyan din para sa kanya at suportahan siya, at maging sa mga nag-1123 sa kanya noon na kapwa pa niya estudyante ay pinasalamatan din niya.
"Laging sinasabi ng iba na bakit pa daw ako namamasada eh nandyan naman daw yung magulang ko bakit di nalang daw ako humingi sa kanila.Di naman porket nandyan yung magulang mo ay iaaasa mo na lahat sa kanila.Natuto akong maging independent at tumayo sa aking sariling paa dahil masarap sa feeling na sa maliit na paraan ay nakakatulong ako sa mga magulang ko at yung mga gusto kong bagay ay nabibili ko kahit papaano ng di ko na hinihingi sa kanila.kahit sa maliit na paraan ay malaking tulong na sa kanila yun dahil di na nila ako intindihin.
No comments