Isang Ama na Nagtatrabaho Bilang Lineman, Nagsuot ng Pakpak na Bigay ng Kanyang Anak



Walang batayan ang makakapagsabi kung gaano ka-mahal ng mga ama ang kanilang mga anak. Bilang isang haligi ng tahanan ay sila ang nagsisilbing sandalan ng pamilya kaya naman, handa silang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya lalo na para sa kanilang mga anak. Ang isang ama ay handang magtrabaho kahit na ito pa ay delikad0 para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.


Ito ay pinatunayan ng isang ama na nagtatrabaho bilang lineman. Makikita sa larawan na habang siya ay nasa itaas ng hagdanan at tila abala sa kanyang trabaho ay suot niya ang pakpak na ibinigay umano ng kanyang anak.

Pahayag ni Keith Anderson sa kanyang facebook post, "His young daughter found out what he did for living, so she made him wings so he would be safe." Ang a good dad will wear his daughter's wings."


Maraming netizens naman ang naatig sa larawan na ito. Marahil umano ay naisip ng bata na delikad0 ang trabahong pag-akyat sa poste ng kanyang ama kaya gumaya siya ng pakpak para maging ligtas ito. Kung iispin ay talagang nakakaaliw at nakakatuwa ang ideya ng anak nito at maging ang ama na ito ay proud sa ginawa ng kanyang anak para sa kanya kaya isinuot niya ito habang nagtatrabaho.

Simple man ang buhay ay mahalaga na napupuno tayo ng pagmamahalan lalo na sa ating pamilya. Nawa'y maging inspirasyon ito sa mga tao lalo na sa mga anak na basta-basta na lang humihiling sa kanilang magulang kahit na alam nila ang paghihiråp at mga sakrispisyo nito.

No comments