Dalawang Tapat na Bata, Nagsoli ng Wallet na Naglalaman ng Pera at ID,



Talaga namang nakakahanga para sa isang bata ang pagiging matapat. Kahit na masasabing grasya para sa ilan ang makapulot ng pera sa daan ay mas nangibabaw pa rin sa karamihan ang katapatan katulad na lamang ng dalawang bata na nasa larawan. Sila ay mga matatapat na kabataan na nagsoli ng wallet na naglalaman ng pera at mga importanteng bagay tulad ng ID.


Nag-viral naman ang isang post ni Xer Yoker kung saan ibinahagi niya ang larawan ng dalawang bata matapos na maaktuhan na nagsoli ng wallet na mayroon halos isang libong pera at may kasamang driver's license.

Humakot ng samu't saring reaksyon ang naturang post na ito mula sa mga netizens. Kahit na lubos na nangangailangan ng pera ang dalawang batang ito ay mas nanaig pa rin sa kanila ang pagiging tapat at hindi nagdalawang-isip na isoli ang napulot na wallet.



Hinangaan ng marami ang dalawang bata dahil sa kabila ng kahiråpan ng buhay ay nagawa pa rin nilang isoli at hindi sila nasilaw sa perang napulot nila.

Kung iisipin ay marami ng mabibili ang perang nakuha ng dalawang bata ngunit dahil mas lamang sa kanila ang kabutihan ay hindi nila ito naisip na gawin bagkus ay gumawa sila ng kabutihan sa kapwa.


Sa ginawang kabutihan ng dalawang bata ay magsilbi sana itong inspirasyon sa lahat. Kung nagawa man ito ng dalawang bata ay tiyak magagawa natin itong lahat. Sa kabila ng pinagdadaanan natin na pagsubok sa buhay ay mas maganda pa rin ang manatili tayong mabuting tao at huwag mag-isip at gumawa ng hundi magada sa kapwa.

No comments