Ama na Binawian na ng Buhay, Nag-iwan ng Malaking Halagang Pera Para sa Kanyang Pamilya!



Isang biyaya nang maituturing ang pagkakaroon ng mapagmahal ng mga magulang. Sa lahat ng bagay, ang una lagi nilang iniisip ay ang kapakanan ng mga anak. Tunay nga na walang makakapantay sa pagmamahal ng isang magulang para sa mga anak. Katulad na lamang ng padre de pamilya na binawian na ng buhay na hanggang sa huli, kapakanan pa rin ng kanyang pamilya ang nanaig.


Ibinahagi ng Cavite TV ang isang post na talaga namang nakakaantig ng damdamin dahil sa umaapaw na pagmamahal ng isang ama sa kanyang pamilya. Ayon sa naturang post ng Cavite TV, hindi inakala ni Dy Dela Paz na mag-iiwan ang kanilang ama ng malaking halaga ng pera.

Palagi umanong bitbit ng kanyang ama ang bag nito kahit saan siya magpunta at ang dahilan pala nito ay nag-iipon siya ng pera para sa kanyang pamilya.



Narito ang post ng Cavite TV sa kanilang facebook page:

"HANGANG SA HULI TAY KAMI PA DIN INIISIP MO"

"Yung na momoblema kami saan kami kukuha ng pang palibïng sa tatay ko. Blessing na nakita ng nanay ko ang bag na laging tinatago ng tatay ko. Grabe ang bigla namin pare pareho ng nakita namin ang inipon mong pera tay. Kaya pala lagi mo sinasabi kay nanay na wag ng mag withdraw sa banko dahil may pera kang tinatago. Sabi mo kay nanay hanapin mo ang wallet ko alam ko may tinago akong pera. (hindi namin alam na ganun kalaki ipon mo tay)


"Kaya pala lagi mo bitbit ang bag na yan kahit saan ka pumunta, sino ba mag aakala na may malaking halaga pala ang nasa loob nyan at ang bilin mo sa nanay at wag gagalawin at lalabhan. Maraming salamat po tay, hangang sa huli hindi nyo po kami pina problema. Nakakalungkot lang tay, sana dalawin mo kami para mabawasan ang sakit tay Mahal na mahal ka namin tay. Napaka bait mo sa lahat kaya siguro kinuha ka ng maaga."

No comments