Watch | Ivana Alawi, Nalasing sa Kanyang Vlog Content na 'Never Have I Ever'


Kamakailann lamang ay nag-unboxing si Ivana Alawi kasama ang kanyang pamilya ng kanyang Diamond Play Button kung saan umabot na ng 10 million subscribers ang kanyang Youtube Channel. Marami ang namamangha kay Ivana, hindi lamang dahil sa magandang pang labas na anyo niya kundi pati sa magandang kalooban at sa pagiging mapagbigay nito.


Marami na din ang natulungan ni Ivana sa kanyang pagva-vlog na labis namang ikinatuwa ng mga netizen sa kanya. Dahil lubusan na ang natatanggap niyang biyaya ay ipinamamahagi naman niya sa iba ang kanyang natatanggap na biyaya.

Sa isang vlog na inupload sa kanyang Youtube Channel nitong Abril 11 ay namahagi na naman siya ng biyaya sa iba. Sa content niya na "Never Have I Ever" ay may challenge na iinumin ang alåk kung ito ay nagawa na. Kasama niya sa vlog na ito ang kanyang kapatid na si Hash Alawi.

Ilang mga katanungan din ang sinagot ng magkapatid kaya marami din ang nainom na alåk ni Ivana dahilan kung bakit siya nalasing.

May mga katanungan sa kanila na patungkol sa kanilang karanasan sa pag-ibig at pagkabata. Naging mas makulit pa si Ivana nang tinamaan na siya ng kalåsingan dahil sa dami ng kanyang nain0m at hindi din daw siya sanay ng maraming iniinom.


Maya-maya pa ay pinuntahan sila ng kanilang ina na naupo upang bantayan kung ano ang susunod nilang gagawin at nakikinig sa kanilang sasabihin.

Sa bandang dulo ng video ay nag-anunsyo si Ivana na mamimigay siya ng pera dahil ganito daw siya sa tuwing siya ay nalalåsing.

Sa una ay magbibigay siya ng P20,000 na paghahatian ng dalawang winners. Ngunit umapela ang kanyang ina at sinabing gawing apat na ang mananalo na magkakaroon ng tag P5,000.

Dahil sa mapagbigay si Ivana ay ginawa niyang tag P10,000 ang walong mananalo na umaabot na ng P80,000. Ayon sa ina ni Ivana ay ginagawa nito ang sinasabi niya kahit na siya ay lasing pa. Sa ngayon ay umabot na ng halos 2 million views ang naturang video.

No comments