WATCH | Ivana Alawi, Nakakuha na ng Diamond Play Button mula sa Youtube!


Kamakailan laman ay inupload na sa Youtube Channel ni Ivana ang video kung saan sama-sama ang kanyang pamilya na nag-aalmusal sa hapag-kainan habang sinasagot ang mga katanungan sa kanila ng ilang netizen. Kasabay na din nito ang pag-unboxing niya ng kanyang Diamond Play Butto o Diamond Creator Award na ibinigay ng Youtube sa kanya.


Kabilang sa mga katanungan kay Ivana Alawi ay ang mainit na isyu noon sa kanya. Sa isang content ng kanyang vlog ay namalaimos siya at nagpanggap na isang pulubi. Sa kabilang banda ay ginawa naman niyang x1,000 kung magkano ang halaga ng binigay sa kanya.

Ngunit, minsama ito ng ilan at may isang abogado na nagsabing maaaari siyang makasuhån sa ginawa niyang content o prank.


"Ano masasabi mo sa gusto kang kåsuhan sa ginawa mong street prank?" Ayon sa isang tanong sa kanya.

"Kung may nalabag man akong batas, eh di kåsuhan na lang nila ko. Haharapin ko 'yun. Lalaban ako, di ba?" Sagot naman ni Ivana.

"Kasi para sa akin, I didn't do anything wrong."

"Ang intensyon ko lang is just to help out and inspire people."

"Wala akong tinatapakan na tao, wala akong nasaktan na tao and masaya ako sa video ang I will do it again!" Dagdag pa niya.

Nagbigay din siya ng update sa isa sa mga natulungan niya sa kayang street prank na si Tatay Joselito na isang kutsinta vendor. Ipinamili niya ng groceries, gamit sa bahay at motorsiklo si Tatay Joselito bilang gantimpala sa kabutihan na ipinakita nito sa kanya.


Sabay-sabay namang binuksan nila Ivana kasama ang kanyang pamilya ang Diamond Play Button. Ang Diamond Play Button ay isang award o parangal na ibinibigay sa mga video creator gaya ni Ivana Alawi na nakakuha ng 10 million subscribers.


Isa si Ivana Alawi sa pinakakilalang vloger dito sa bansa. Marami na din siyang natulungan at karapat-dapat lamang ang natanggap niyang award.

1 comment: