Tatlong Magbabarkada, Nakapagtapos ng Magna Cum Laude!



Isa sa pinaka magandang #friendshipgoals sa magkakaibigan ay ang makapagtapos ng pag-aaral at sabay-sabay na abutin ang mga pangarap. Tulad na lamang ng tatlong lalaki na magkakaibigan na sabay-sabay na nakapagtapos sa pag-aaral at lahat ay nakapagtapos ng Magna Cum Laude.

Nakapagtapos ang magbabarakada sa Mindanao State University College of Education Training Department (MSU-CETD). Ang magkakaibigan na ito ay sina George Doroteo Andres Jr., Allen Reynaldo Ocampo Cruz at Michael Roy Malaluan.



Kahit na nagkahiwa-hiwalay sila dahil sa magkakaiba sila ng kurso ay nananatili pa rin ang kanilang komunikasyon sa isa't-isa.


Si Andres ay nakapagtapos bilang Bachelor of Science in Medical Technology at General Santos Doctors' Medical School Foundation. Si Cruz naman ay Bachelor of Science Economics at the University of the Philippines sa Diliman at si Malaluan naman ay nakapagtapos din bilang Bachelor of Science in Medical Technology gaya ni Andres ngunit sa Notre Dame of Dadiangas University.


Nagsumikap sila kahit na nagkahiwa-hiwalay sila at nanatiling matibay ang kanilang pagsasamahan bilang magkakaibigan. Patunay lamang na ang pagkakaibigan ay hindi lamang nasusukat sa masasayang gimik kundi pati sa pag-abot ng pangarap.

No comments