Soon-to-be Groom, Binawian ng Buhay Matapos na Mabangga ng Truck!


Isa sa pinakamasayang araw para sa nagmamahalan ang mag-isang dibdib at mangako ng pagsasamahan habang buhay. Ngunit, kabalikat ng kasiyahan ay ang kalungkutan. Isang tråhedya ang nangyari sa dalawang nagmamahalan na nakatakdang ikasal sana sa Abril 10 ngayon taon.


Isang lalaki ang nagngangalang Jonex Balano ang binawian ng buhay matapos na mabangga ng truck sa Fausta, Calinan bandang 1 ng hapon, Marso 31. Ayon sa ulat ay nagbabahagi sila ng kanilang imbitasyon ng kanyang mapapangasawa dahil sa darating na pag-iisang dibdib nila.

Nakahanda na din ang kanilang mga kakailanganin para sa gaganapin na kasal gaya ng mga souvenirs at iba pa.


Nadala pa umano sa ospital si Jonex ngunit sa kasamaang palad ay idiniklara na itong wala ng buhay bago pa siya maidala sa ospital.

Ang balitang ito ay isa sa pinaka masåkit dahil hindi na natupad ang kanilang pangarap bilang mag-asawa. Sa kabilang banda, wala din sa atin ang makakapagsabi kung kailan babawiin ng Diyos ang buhay na pinahiram niya sa atin.


Narito ang kabuuang post ni Elcham Campos Iligan:

"LOOK:The most heart breaking news, I saw on my timeline today.

Isang lalaki na nagngangalang si sir Jonex Balano ang nasagasaan ng isang truck sa Fausta, Calinan kaninang 1:00 ng hapon na di umano ay galing sa pagdistribute ng kanilang Wedding invitation letter sa kasal nila ngayong darating na April 10, 2021. Naidala pa siya sa hospital, ngunit deåd on arrival na.


And the most heartbreaking is when you visit sir Jonex Balano timeline, he is really excited and ready for their wedding. Rest in peace sir, my condolences to his fiancee and to the whole family. Always keep safe everyone."

No comments