Security Guard, Nakitang Chichirya ang Ulam dahil sa Pagtitipid!



Marahil ang karamihan sa mga ama ay hahamakin at gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Kakayod na mabuti sa kanialng trabaho at ibibigay lahat ng sahod sa ilaw ng tahanan kahit na walang matira sa kanila. Unang iniisip ng mga ama ay ang kapakanan ng kanilang pamilya lalo na ang kapakanan ng mga anak.



Upang makaraos sa buhay, kinakailangan ng sipag at tiyaga sa buhay at pagtitipid upang makapag-ipon sa hinaharap ng kanilang pamilya. Tulad na lamang ng Security Guard na ito. Kumalat sa social media nag kanyang larawan matapos na mag-ulam siya ng kakaiba at hindi pangkaraniwang inuulam ng iba.

Ang pangalan ng uploader ay si Ralph Reymond Hermano Getanes. Ayon sa kanya, tinanong niya ang Security Guard kung bakit chichirya ang ulam nito.


"Oo sir, ang dami ko kasing sinusuportahan sa Cotabato sir," ayon kay Kuya Guard.

"Sanay na ako sir, di bale balang araw pag makatapos sila sana hindi na ganito," dagdag pa ni Kuya Guard sa sinabi ni Ralph na baka siya ay magkasåkit.

Pangiti-ngiti na lamang umano si Kuya Guard habang kumakain kahit na alam ni Ralph at ramdam niya ang hirap at pangungulila. Makikita sa larawan na "ding-dong" ang inuulam ni Kuya Guard. Ito lamang ang pinagtitiisan niyang ulamin dahil kailangan niyang magtipid sa sarili para sa kinabukasan ng kanyang mga pinag-aaral.


Iniisip na lamang ni Kuya Guard na sana ay balang-araw ay hindi na ganito ang kanyang buhay at makaraos na siya dahil darating ang araw na makakapagtapos ang kanyang mga pinag-aaral. Alam niya at naniniwala siya na ang lahat ng kanyang pagtitiis ay may kaakibat na pag-ahon sa buhay.

No comments